Ngunit mayamaya ay humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Yakap na tila ayaw na siya nitong pakawalan. "Calix?" usal niya. "Shhh! Stay, Sweetheart," anito na halos pagaralgal na ang boses. Napakunot-noo siya pero gaya ng sabi nito ay hinayaan lamang itong yakapin siya. Mayamaya ay rinig ang mumunting pagsinghot nito na tanda na tama ang kaniyang hinala na naiyak ito. "Calix, ayos ka lang ba?" hindi na niya kayang tagalan pa kaya naisipan na niyang kausapin ito. "Yes, Sweetheart," anito ngunit paos na ang boses. "I'm sorry," anito at ramdam ang panginginig ng katawan nito. "Sorry for what?" maang niya. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Mas lalong nakokonsensiya si Calix sa paglilihim kay Samantha pero sa ngayon ay hindi pa kayang mawala ito. Takot na takot siya na baka buk