Pagkatapos ng mainit na sandali ay hindi malaman ni Samantha ang gagawin lalo na nang matiim na tumitig sa kaniya si Calix. Mayamaya pa ay namutawi sa labi nito ang isang matamis na ngiti. "I love you," mabilis na turan ni Calix nang makitang naiilang na si Samantha sa kaniyang titig dito. Hindi niya kasi maiwasang pagmasdan ito lalo pa at napakaganda nito. Muli ay tinugon lamang iyon ng simpleng ngiti. Nang hindi na makayanan ni Samantha ang lamig gawa ng paghupa ng init ng katawan ay napayakap siya sa sarili. Nang makita ni Calix ang ginawang iyon ng asawa ay mabilis na inabot ang tuwalya at ibinalot iyon sa asawa. Sa ginawang iyon ng asawa at muling natuwa ang puso ni Samantha. "Thank you," usal dito. Saka nagsimulang maglakad palabas. Nang makalabas ay hindi niya maiwasang lingunin