Agad na sinagot at narinig ang malambing na tinig ng kasintahan. "Hi, babe," anito na tila tuwang-tuwa pa. Gusto sanang mainis pero nagpigil siya dahil ayaw niyang mawala ang sigla at saya nito. "Hey, babe, are you okay?" agad na tanong dito. "Bakit gamit mo ang emergency phone ni Danica?" malumanay na tanong sa kasintahan. Napabagikgik pa ito na tila bata, imbes na tumigil dahil nasita ito. "Na-miss lang kita! Mukha kasing iniiwasan mo ako kapag nasa bahay ka at kasama ng asawa mo?!" may himig pagtatampo sa tinig nito at pagdidiin sa huling sinabi nito. "Babe, napag-usapan na naman natin ito, hindi ba?" maang dito. "I know pero naiinis lang ako, babe? Dapat kasi ay ako ang asawa mo at magiging isang pamilya na tayo," dagdag nito na kinatigil niya. "Paano ko sasabihin sa magiging anak