Pagdating sa ospital ay agad silang sinalubong ng mga nurses at hospital staff. Mabilis na pinasok si Geraldine sa emergency room, puno ang kaba habang pina-park ang kaniyang sasakyan. Kahit papaano ay minahal niya ang babae at anak niya ang batang dinadala nito. Pagdating sa may emergency room ay nakitang nakaupo sa isang upuan sa labas si Danica. "Wala pa bang nalabas?" tanong dito tukoy sa doktor na umistema kay Geraldine. "Wala pa po, Sir," anito na bakas sa tinig ang pagkabahala. "Wala ka bang napapansin sa kaniya lately?" tanong dito. Kitang napatitig ito at tila may nais sabihin. "W—ala naman po, Sir," turan nito na halos hindi niya marinig. Uusisahin pa sana ito nang biglang bumukas ang pintuhan at niluwa ang isang doktor. "Kayo po ba, Sir ang asawa?" tanong nito. Hindi na ni