Nang makalabas sila ng opisina ni Mr. Manalo ay hindi naiwasang mapayakap si Samantha sa ama. Hindi niya alam kung papaano ito pasasalamatan sa lahat ng mga ginawa nitong sakripisyo para sa kanya. "Thank you, papa," naiiyak na turan habang yakap ito. "Wala 'yon, you're my princess at hinding-hindi kita iiwan sa anumang laban mo sa buhay. Kahit ano pa ang mangyari, asahan mong nasa likod mo lagi kami ng iyong mama," turan ng ama saka naramdaman ang paghaplos nito sa kanyang likod. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo ni Mama sa dami ng nangyari sa buhay ko," aniya sa sandaling iyon ay naiiyak na siya. "Isipin mong may mga nagawa rin kami kaya nangyari ang lahat ng ito, anak, pero hindi ko pinagsisisihan dahil nakita ko kung gaano ka binago ng lahat ng pangyayaring iyon.