Abala si Samantha sa kanyang opisina nang marinig ang pagkatok ng kanyang sekretarya. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo," anito. "Let him in," agad na turan dahil alam niyang ang hininintay na panauhin na ang dumating. Ang detective na inupahang alamin ang tungkol kay Evangeline Saldevar. Kailangan niyang makilala ang kanyang kalaban para alam kung saan niya titirahin ito. "Good morning, Mrs. Gonzalves, dala ko na lahat ng impormasyong nais mong malaman tungkol kay Miss Saldevar," anito sabay lapag ang brown envelop sa kanyang harapan. Agad siyang napangiti at inusisa ang laman ng dala nitong papeles at mas lalong lumawak ang pagkakangiti dahil ang babae ay isang social climber, kumakapit sa mga taong mayayaman gamit ang gandat talino nito. Galing sa mahirap na pamilya, pero dahil sa