Dinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan bago ito nagsalita. "Alam ko, best friend mo ako, eh! Ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo. Hindi man kasing sakit gaya ng nasa puso mo pero bilang kaibigan mo na nakikita kang nasasaktan ay nasasaktan din ako," anito na noon ay naiiyak na rin. "Bakit ganito?" tanong na nanulas sa kaniyang labi. "Hindi ko alam pero ang alam ko ay may pananagutan ka. Magiging ama ka na at kailangan ka ng ina ng magiging anak mo," saad nito. "Paano siya?" maang tukoy kay Samantha. Doon ay tumiim at lumalim ang titig ng kaibigan. Batid na higit sa kanilang dalawa ay mas hawak nito ang isipan kaysa sa kaniya. Kung susundin niya lang ang puso niya ay pipiliin niya ang asawa pero inuusig naman siya ng kaniyang konsensiya. "Samantha is a strong woman pero kung