YANNA DAHIL sa sobrang sama ng loob kaya lumabas ako ng hotel kahit dis-oras na ng gabi. Ang sakit-sakit ng dibdib ko at halos hindi na ako makapag-isip nang maayos kaya hinayaan ko lang ang aking sarili na dalhin ako ng aking mga paa kung saan. Mukhang nakatulog ang mga bodyguard ni Gov. Gael kaya hindi nila napansin ang paglabas ko. Medyo madilim ang lugar at hindi ko kabisado itong paligid. Tahimik pa. Kanina pa ako lakad nang lakad pero wala na akong nakikitang tao. Gayon man ay wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makalayo sa hotel na iyon, malayo kay Uncle Jaxx. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kanina? Sa tingin ko, hindi ko na kayang pakisamahan pa siya. Pagod na ako. Pagod na akong patunayan sa kaniya na hindi ko deserve ang mga ginagawa niyang ito sa akin. Maram