YANNA “DINALA kita rito sa Benguet para protektahan at hindi para makipaglandian sa kaibigan ko.” Tumalim ang tingin sa akin ni Uncle Jaxx nang ibalik niya ako sa aming silid. Gusto ko sanang magalit sa kaniya dahil sa masasakit na salitang ibinabato na naman niya sa akin. Pero wala akong maisip na depensa dahil sinadya naman talaga namin ni Gov. Gael na pagselosin siya. Guilty ako sa part na iyon. Kaya lihim akong nakokonsensiya. Nalilito lang ako kung bakit parang parati na lang siyang nagseselos kapag nakikita niyang may kasama akong ibang lalaki. Hanggang ngayon, hindi ko siya maintindihan. Samantalang paulit-ulit naman niyang ipinapamukha sa akin na si Auntie Marge pa rin ang mahal niya at hindi ako. Tama nga kaya si Gov. Gael? Na may dapat na aminin sa akin ang asawa ko. Pero