PINUNTAHAN ni Alina si Ara sa kuwarto nito. May telebisyon ito roon at nanonood habang nakaupo sa kama. Nilapitan niya ito at lumuklok sa gawing kaliwa nito. “Natanggap mo ba ang message ko?” tanong niya rito. “Oo,” malamig nitong tugon, ni hindi siya magawang sipatin. “I won’t force you to visit Mom in the hospital, but at least tell me what is your plan. Baka may maitulong ako.” Umalon ang dibdib ni Ara. “Hindi ko pa kayang harapin si Mommy. I’m depressed, Ate. Baka lalo lang akong ma-stress kapag nakita siyang nakaratay sa ospital. Kamuntik na akong makunan kaya payo ng doktor na lumayo muna ako sa nagpapa-stress sa akin.” “Naintindihan ko. Ako na ang bahalang kakausap kay Mommy kapag nagising siya. Ang gusto kong malaman ay kung galit ka pa ba kay Mommy.” Matamang tumitig sa kan’