WALANG malay si Lola Cora nang datnan nila sa ospital sa Clark. Nailipat na ito sa ICU dahil request na rin ng mga anak. Katatapos lang ng dialysis nito at ayon sa doktor ay hindi na talaga maayos ang function ng kidney nito. Hindi na kaya ng dialysis at hindi na rin umano uobra ang operasyon dahil mahina na ang katawan ng ginang. Nanlulumong lumuklok sa bench sa labas ng ICU si Alina. Doon na niya hinintay si Elias na kinausap ang doktor. Kahit maikling panahon lang niyang nakasama si Lola Cora, sobrang na-attach ang puso niya rito. And she’s not ready to lose her. She wanted more time with her. Nang bumalik si Elias ay bakas sa mukha nito ang lungkot. Naroon din si Emmanuel at mga tiyuhin ni Elias. Nanghihinang umupo sa tabi niya si Elias, hinawakan ang kaniyang kamay. “Ano’ng sabi ng