HININTAY ni Alina na tawagin siya ng mommy niya bago siya tumuloy sa dining area. “Kakain na, anak. Sabay-sabay na tayo,” ani Clarita. Tinawag na rin nito ang caregiver na nasa kusina. Dinagdagan niya ang sahod ng caregiver dahil ito rin ang humiling na mag-side-line ito bilang kasambahay. Ito na ang gumagawa sa ibang gawaing bahay, maging pagluluto at paglalaba. May pinaaral kasi itong anak sa college, nursing pa ang kurso. Umupo siya sa silyang hinila ni Elias katabi nito. Naunahan na siya nitong maglagay ng pagkain sa plano niya. “Konti lang ang kanin ko,” sabi niya rito. “Konti lang ito,” anito, inilagay pa rin ang dagdag na kanin sa plato niya. “Half cup of rice lang ang akin kasi may patatas naman sa caldereta. Carbohydrates din ‘yon,” sabi niya. “Okay. Akin na lang ‘to.” Ini