NADADARANG na sa init ng halik ni Elias si Alina nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pants. Pumiksi siya at lumayo sa binata. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag ng katrabaho. “Hello, Alice? Ginagawa ko pa lang ang design,” sabi niya sa kausap. “Ah, sige. Makaabot kaya ‘yan sa Sunday? Need na kasi namin, eh. Designs mo lang ang gusto ni manager,” ani Alice buhat sa kabilang linya. “Oo naman. Dalawa pa lang ang natapos ko kanina.” “Okay. Teka, may nasagap pala akong tsismis, girl. Totoo ba na ikakasal ka na?” pagkuwan ay usisa nito, nakataas pa ang boses. Nawindang siya. Wala pa naman siyang pinagsabihan ni isa sa katrabaho tungkol sa kaniyang pagpapakasal. “Kanino mo nalaman?” aniya. “Kay Stephen. Nagkita kami sa studio noong is