Chapter 20

1702 Words

“ANO’NG gusto mong timpla sa kape?” tanong ni Alina kay Elias nang mahimasmasan. Inihanda na niya ang coffee powder. “Dark coffee lang meron kami kasi ayaw ni Mommy ng may creamer. Konti na lang ito kasi tumigil na magkape si Mommy, ang caregiver na lang,” patuloy niya. “Dark with small amount of sugar is fine. Gusto ko nag-aagaw ang pait at tamis,” anito. Kumilos naman siya at sinimulan ang pagtimpla ng kape. Talagang pinanood siya ni Elias at hinintay matapos. “Tikman mo kung okay na ang lasa. Umiwas na rin kasi ako sa kape kaya hindi ko na kabisado magtimpla,” aniya at ibinigay ang kutsara sa binata. Tinikman naman nito ang kape. “Hm, sakto lang. Thank you.” Kinuha na nito ang tasa ng kape. “Let’s go outside,” paanyaya nito. Ito na ang nagdala ng plato ng pancake. Nagtimpla naman s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD