MIYERKULES ng umaga ay bumiyahe si Alina patungong Subic Bay upang bisitahin ang warehouse ng auction nila. Nasorpresa siya nang madatnan si Ezekiel sa opisina kasama ang daddy nito.
“Mabuti narito ka, Alina. Darating ang investors mamaya at may pag-uusapan tayo tungkol sa pundo. Hindi makadalo si Elias kaya ako ang haharap sa investors,” ani Mariano.
Nag-expect pa naman siya na naroon si Elias. “Nai-turnover n’yo na po ba kay Elias ang lahat ng legal documents ng company?” aniya.
“Oo pero hindi pa niya maharap asikasuhin. At para hindi ka mahirapan, tutulong muna si Ezekiel sa pag-monitor ng operation. Mas gamay niya ang ganitong negosyo kumpara kay Elias.”
Sinipat niya si Ezekiel na prenteng nakaupo sa may couch at may pinapapak na ubas. Pumuwesto naman siya sa harap ng lamesa ng kan’yang ama katabi ng puwesto ni Mariano. Simula noong namatay ang daddy niya ay si Mariano ang pansamantalang namamahala ng kompanya.
“Alam po ba ni Elias na narito si Ezekiel?” tanong niya nang maisip ang magiging reaksiyon ni Elias.
“Ah, hindi pa. Pansamantala lang naman si Ezekiel dito habang nagbabakasyon siya. Babalik din siya sa US pagkatapos ng reunion namin.”
Muli niyang sinipat si Ezekiel, saktong tumitig ito sa kan’ya, seryoso.
“Sige po. Mag-stay ako rito sa warehouse hanggang mamayang hapon.”
“Good. Makakasama mo rito si Ezekiel dahil babalik ako ng Pampanga pagkatapos ng meeting. Bibigyan naman kita ng breakdown ng previous operation para hindi ka malito.”
“Salamat po.”
Mayamaya ay dumating na ang investors kaya tumuloy na sila sa conference room. Malawak ang lupaing nasasakupan ng warehouse at dalawang palapag ang opisina pero pahaba. May limang ektarya ang lupain kung saan nakaimbak ang mga for repair na sasakyang nabili mula sa ibang bansa. Ang mga sasakyang ready na ibenta ay dinadala sa main office sa Angeles Pampanga.
Nabawasan ang investors ng kompanya pero meron namang dalawang nadagdag na politiko at kaibigan ni Mariano. Dalawang foreign investors na lang ang natira at ang Japanese ay kaibigan ng daddy niya. Ito ang nakikipag-ugnayan sa importers mula Japan.
Natuklasan niya na malaki rin pala ang utang ng daddy niya sa Japanese investor pero si Elias na umano ang magbabayad. Nagbigay si Elias ng dagdag pundo na limang milyon nito lang nang nagkasundo sila. Hindi niya akalaing ganoon lang kadali sa binata ang magbitiw ng pera, na tila ba siguradong wala na matatali na siya rito. Naisip tuloy niya na sinasadya ni Elias na ibaon siya sa utang.
Pagkatapos ng meeting ay umalis din si Mariano kasama ng investors. Naiwan silang dalawa ni Ezekiel sa opisina saktong sumapit ang tanghalian.
“What do you want to eat, Alina? Magpapa-deliver ako ng food mula sa resort ni Kuya,” ani Ezekiel. Ito na ang umupo sa lamesa ng daddy nito.
“Anything,” tipid niyang tugon. Sinumpong na naman siya ng migraine kaya apektado ang mood.
“Wala ka bang food allergy?”
“Sa dairy product lang ako may allergy.”
“So, hindi ka puwede sa pasta with cheesy sauce.”
“Depende. May ibang cheese na hindi naman malala ang epekto sa akin. Okay na sa akin ang salad at light food. Hindi ako malakas sa kanin. Mas okay kung mashed potatoes na lang.”
“Nice. Kaya pala ang slim mo. Mabuti nagustuhan ka ni Kuya. Hindi niya gusto ang model type na babae, iyong sobrang payat. Gusto niya medyo malaman. Pero okay na rin, malusog ang dibdib mo.” Nasuyod pa siya ng tingin ni Ezekiel.
Uminit naman ang kaniyang mukha at mabilis na iniwasan si Ezekiel. Lumuklok siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama at binuksan ang laptop.
“Mag-o-order ka ka’mo ng food,” aniya.
“I’m calling the resort’s manager,” sabi nito habang naktutok sa hawak na cellphone.
“Sandali, hindi ba pupunta rito si Elias?” pagkuwan ay tanong niya.
“I don’t know.”
“Mas okay na ‘wag na siyang pupunta. Tapos na rin naman ang meeting.”
“Bakit? Nati-tense ka ba sa presensiya ni Kuya?” Sinipat siya nito na may sarkasmo ang ngiti.
“Hindi lang ako komportableng kausap siya minsan. He’s naughty.”
“Wala pa ‘yan. Bumubuwelo lang si Kuya. Once nagkaroon siya ng maraming time na makasama ka, believe me, mapapraning ka.”
Lalo tuloy siyang na-curious sa pagkatao ni Elias. “Ayaw kong humusga pero inaamin ko na my something kay Elias na siguro ikasasakit ng ulo ko.”
Tumawa nang pagak si Ezekiel. “Hindi lang ulo, pati buong katawan.”
Natitigilang tumitig siya sa binata. Iba na ang tumatakbo sa kaniyang isipan. “Magaan ba ang kamay ni Elias?”
“Hm, medyo, pero hindi ko sure kung applicable sa babae. For me, may pagkasadista si Kuya. Naging mabuting kuya naman siya sa amin, strict nga lang. Mas mahigpit pa nga siya kaysa kay Daddy. He’s bossy, powerful, iritable rin lalo kung hindi kaagad makuha ang gusto niya.”
Naingganyo na siyang alamin pa kay Ezekiel ang ibang katangian ni Elias. Ngunit mayamaya lang ay may tumawag sa kan’yang cellphone, unregistered number. Kahit nag-aalangan ay sinagot pa rin niya ang tawag.
“Hello?” aniya sa mahinahong tinig.
“Alina, where are you?” tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.
Mariing kumunot ang kan’yang noo. “Who’s this?” tanong pa niya.
“It’s me, si Elias.”
Umawang ang kaniyang bibig ngunit hindi kaagad nakapagsalita dahil sa pagkasorpresa. Hindi pa naman siya nagbigay ng contact number niya kay Elias at hindi niya ito tinawagan sa numerong binigay ng daddy nito.
“Ah, narito ako sa opisina ng warehouse sa Subic Bay,” tugon niya.
“With Ezekiel? I just talked to Dad, and I asked for your contact number. Sinabi niya na naiwan si Ezekiel sa opisina kasama mo.”
“Y-Yes, kasama ko siya. Katatapos lang ng meeting namin at mamaya ay mag-iikot kami sa mga nire-repair na units.”
“Pauwiin mo na si Ezekiel. I will go there before lunch. I’ll bring food.”
Napangiwi siya sabay sipat kay Ezekiel na tila nakikinig.
“Si Kuya ‘yan, ano?” pabulong na tanong ni Ezekiel.
Tumango lamang siya bilang tugon.
“Ikaw na ang magsabi sa kapatid mo,” pagkuwan ay sabi niya kay Elias.
“Okay. I’ll call him.” Nawala na sa linya si Elias.
Mayamaya ay tumawag na ito kay Ezekiel. Nagtalo na naman ang magkapatid. Panay ang pagmumura ni Ezekiel at biglang binabaan ng cellphone ang kausap.
“Masyadong territorial si Kuya. Hindi pa naman kayo kasal. Ano ba ang ipinaglalaban niya?” maktol nito.
“Ano ba ang sabi niya?” tanong niya naman.
“Takot na takot siya na magkasama tayo, para namang aagawan siya. May chance ba na magkagusto ka sa akin, Alina?”
Sinaglitan niya ng kagat ang kaniyang ibabang labi at naalala na nabanggit niya kay Elias na naging crush niya noon si Ezekiel. She can’t assume that Elias felt jealous or insecure about Ezekiel. Maaring nag-iingat lang ito sa repustasyon.
“Ignore you brother,” tanging nawika niya at itinuon ang atensiyon sa laptop.
“I’m curious why Elias felt insecure. Hindi naman siya gano’n noong si Ara pa ang fiancee niya. Wala siyang pakialam kahit harutin ko si Ara. Pero pagdating sa ‘yo, galit na siya matitigan lang kita. O baka naman nagkakamabutihan na kayo.”
“Kailan lang kami nagkakilala ni Elias, walang special,” aniya sa kabila ng munting guilt dahil sa s*xual issue nila ni Elias. Maaring big deal iyon sa binata kaya siya binabakuran.”
“Really? You mean, hindi talaga kayo nag-met before he offer an arranged marriage?”
“Hindi pero kilala na niya ako dahil kay Daddy.”
“Maybe he told your dad that you would be his fiancee.”
Kumibit-balikat siya. Na-distract siya ng sunud-sunod na pagpasok ng mensahe sa kan’yang inbox. Nagmula ito kay Elias. Napasintido siya dahil galit na ang binata, naka-capital letter lahat ng litra sa text nito. Atat na itong paalisin si Ezekiel at ayaw na maabutan pa ito roon. On the way na umano ito.
“Umuwi ka na lang kaya, Ezekiel. Baka kung ano pa ang magawa ng kuya mo oras madatnan ka niya rito,” sabi niya.
“What? Pinapalayas mo na rin ba ako?” angil nito at marahas na humarap sa kan’ya.
“Hindi sa gano’n. Ikaw na mismo ang nagsabi na bossy si Elias, sadista, at malamang ay masasaktan ka niya kung hindi ka aalis.”
Ezekiel chuckled. “You are tolerating my brother, huh? Huwag gano’n, Alina. Don’t spoil Elias, baka umabuso siya. Kung wala namang mali sa ginagawa mo, ‘wag mo siyang pansinin. Kakain pa tayo. Parating na ‘yong food na order ko. Malapit lang naman dito ang resort ni Kuya.”
She heaved a sigh. May kakulitan din talaga itong si Ezekiel, pero napagtanto niya na tama ito. Hindi niya kailangang matakot kay Elias, lalong hindi dapat niya ito kunsintihin.
“Bahala ka. Ikaw na ang magpaliwanag sa kuya mo pagdating niya,” sabi na lamang niya at itinuloy ang ginagawa.
Isang oras pa ang lumipas bago dumating ang pagkaing order ni Ezekiel. Mayamaya ay dumating na rin si Elias, may dala ring pagkain. Matalim na titig nito ang bumungad sa kanila at diretso ang tingin kay Ezekiel na nag-aayos ng pagkain sa lamesa.
“Tamang-tama ang dating mo, bro. Ready na ang food,” ani Ezekiel.
“Eat your food. May dala akong pagkain para sa amin ni Alina,” sabi naman ni Elias. Tuluyan itong lumapit sa dalaga at inilapag ang paper bag na pinaglagyan ng pagkain.
“Don’t be stupid, Elias. I came here first, and Dad asked me to stay here and help Alina. Sabi mo kasi busy ka at hindi makapunta,” may iritasyon na ring sabi ni Ezekiel, nawala na ang paggalang sa kapatid.
Umigting naman ang panga ni Elias sa gigil at nilapitan ang kapatid. Mas matangkad ng isang dangkal dito si Ezekiel pero mas malaki ang katawan nito. Namayani na ang tensiyon sa magkapatid kaya tumayo na si Alina at inabala ang dalawa.
“Calm down, guys, please. Hindi n’yo kailangang magtalo. Puwede naman tayong kumain na sabay. Ano ba ang problema?” aniya.
“Alina was right. Ikaw lang naman ang may issue, Kuya. Hindi mo kailangang ma-insecure sa akin. Bibinggo na ako kay Daddy once ginulo ko ang kasal mo,” sabad naman ni Ezekiel.
Hindi kumibo si Elias pero matalim pa rin ang titig kay Ezekiel. Mabuti nailugar din nito ang temper at hindi na pinaalis ang kapatid pero ayaw pa rin nitong makasalo nila sa tanghalian. Ibinigay na lamang sa kanila ni Ezekiel ang pagkain niya.
Sa labas ng opisina na kumain si Ezekiel kaya naiwan silang dalawa ni Elias. Doon na sila sa office table kumain.
“Ano ba ang problema mo kay Ezekiel?” hindi natimping tanong niya sa binata.
“Maraming magiging problema kung madalas mong kasama si Ezekiel, Alina. You mentioned before that you have a crush on him, and he will use the opportunity to ruin your mind,” anito.
“Hindi niya naman alam.”
“Hindi pa pero malalaman niya rin once mas naging open ka sa kan’ya.”
“Walang magiging epekto ‘yon sa marriage agreement natin. Alam ni Ezekiel ang limitasyon niya.”
“You’re not sure, Alina. Ayaw ko ng issue lalo na sa ating dalawa. Marami na ang nakaaalam na ikakasal na ako, at curious na sila kung sino ang fiancee ko. Big deal sa amin ang kasal, at hindi puwedeng masilip ng ibang kaanak namin na arranged marriage lang ang kasal at walang love. My grandmother from the father's side won’t tolerate an arranged marriage, na sinimulan ng lolo ko. She witnessed the unpleasant consequences and wanted to stop them. I want to show my family that my marriage was not about money or business. Once I announce my current status, my relatives will investigate.”
Nagimbal siya sa rebelasyon ni Elias. Hindi pa rin malinaw sa kaniya ang point nito tungkol kay Ezekiel.
“Ayaw mong mahimasok si Ezekiel sa marriage natin for what?” usig niya.
“Posibleng ma-develop ang feelings ninyo sa isa’t isa lalo’t naging crush mo siya. Of course, you will ignore me, at mahahalata ng pamilya ko na walang love sa pagitan natin. We should learn to love each other. Dad knows what I am fighting for. Kaya gusto niya na maging smooth ang kasal natin.”
“Kung sana’y madali lang magmahal,” mahinang sabi niya.
“You can learn to love me if you allow it, Alina unless you have hated my gut since we met.”
Naiangat niya ang tingin sa mukha ni Elias. Seryoso itong nakatitig sa kan’ya habang paisa-isang sinusubo ang nahiwang young corn.
Ayaw niyang magsalita nang tapos, hindi rin niya masabi kung mamahalin niya si Elias. Marami pa rin siyang curiosity sa pagkatao nito. She can’t entrust her heart to him unless she gets assurance that her future is safe with him.