Chapter 7

1679 Words
ILANG minutong naghari ang katahimikan habang kasalo ni Alina si Elias sa tanghalian. Mayamaya ay binuksan nito ang pagksa tungkol sa kompanya. “Naayos ko na ang schedule ko. Kung may napili ka na ring regular working hour sa company mo, puwede mo na akong samahan sa ibang trabaho ko,” ani Elias. “Anong trabaho?” kunot-noong tanong niya. “Sa law office at ibang business meetings at appointment.” “May ibang trabaho pa ako, Elias. I can’t promise to help you.” “Hawak mo ang oras mo sa trabaho. Hindi mo kailangang mag-report sa opisina araw-araw dahil may na-assign na si Daddy na consultant at operation manager. Magiging asawa na kita, Alina. Obligado ring tulungan mo ako sa negosyo at ibang trabaho. Tuturuan naman kita sa lahat ng gagawin mo.” “Alam ko, pero ibang usapan na ang pagbuntot ko sa ‘yo palagi. Bigyan mo na lang ako ng routine na hindi mag-conflict sa regular job ko.” “Hindi mo ba mabitawan ang pagiging designer mo?” “No!” mariing tugon niya. Napahilot sa sintido nito si Elias. Tapos na itong kumain at inuubos na lang ang pineapple juice sa baso. “Okay, hindi ako makikialam sa passion mo pero bigyan mo naman ako ng oras at atensiyon,” anito. “Hindi kita pagdadamutan ng oras basta huwag mo akong obligahin sa trabahong hindi ko gamay. Mabilis akong mairita sa business, kaya nga hindi kami magkasundo ni Daddy.” “I got it. Ganito na lang, bigyan mo ako ng schedule mo sa trabaho para alam ko kung kailan kita aabalahin.” Tumango siya at itinuloy ang pagsubo ng pagkain. “Aayusin ko muna,” aniya. Pagkatapos ng tanghalian ay tumambay sila sa maliit na yate. Luma na ang yate na isa sa binili ng daddy niya mula Japan. Pinagawa rin ang pantalan doon upang direkta nang ibabagsak doon ang mga sasakyang nabili mula sa ibang bansa. Sumunod sa kanila si Ezekiel at tiningnan ang makina ng yate. May nasilip itong sira sa ibang parte ng makina. “Ipaayos n’yo ‘to, Alina bago gamitin. Delikado ito,” ani Ezekiel. “Hindi na ba gagana ang makina?” aniya. “Gagana pa naman pero baka biglang titirik sa gitna ng dagat. Puwede ka ring magpabili ng bagong yate kay Kuya,” anito sabay bungisngis. Lumapit na sa kanila si Elias na nagsasalubong ang mga kilay. “Hindi mo kailangang sabihin ‘yan, Ezekiel. I can gave anything to Alina,” sabi nito. “I know. Nagbibigay ka nga ng milyones sa ibang babae at kung sinong nagagamit mo at--” Naudlot ang pagsasalita ni Ezekiel nang biglang takpan ni Elias ng palad ang bibig nito. “Leave us alone, a*shole!” singhal nitong sa kapatid. “Alright!” Umatras din si Ezekiel habang kumakaway. Dedma naman si Alina at bumalik sa ground floor. Sinundan din siya ni Elias. “Mukhang masisira na itong yate n’yo,” ani Elias. “Mas matanda pa kasi ito sa akin,” aniya. Lumapit siya sa barandilya na bakal at tumanaw sa malawak na karagatan. Tinabihan naman siya ni Elias at dumukwang habang nakatitig sa tubig na may banayad na alon. “I remembered how your dad manifested some things he wanted to happen in the future. He’s eager to get into it, but he failed to start the plan. Siguro dahil hindi umaayon sa kan’ya ang pagkakataon. Kulang siya sa suporta. Hindi rin hands-on ang mommy mo sa negosyo. Magkaiba sila ng gusto.” Napatitig siya kay Elias at muling nilukob ng guilt ang kan’yang puso. Alam niya na nag-expect ang kan’yang ama na aayon silang mga anak nito sa plano. Aware siya sa gusto ng daddy niya para mapalawak ang sangay ng negosyo, pero umiral ang pride niya. “It’s my fault. Ako ang panganay na anak ni Daddy, dapat ako ang tumulong sa kan’ya unang-una.” “I didn’t think your dad blamed you, Alina. He didn’t please you to follow him. Pero umaasa siya na maintindihan mo siya. I told him to let you decide what your heart desires.” She gritted her teeth as she thought about Elias’s influence on her father. Hindi naman magkandaugaga ang daddy niya sa pagkumbinsi sa kanilang magkapatid na magpakasal kung walang offer na arranged marriage ang binata. Iginiit niya na may mali talaga sa pangyayari. Pero hindi niya maaring usigin si Elias gayong malaki ang atraso nila rito. She’s willing to play dirty to save her reputation and family against someone’s manipulation. Bago naglaho si Ara, may mensahe ito tungkol kay Elias. Binanggit nito ang ugali ng binata na nag-udyok dito na mag-alangan sa kasal. Sinundan niya ng tingin si Elias na lumapit sa hagdanan at bumaba sa ikalawang baitang. Kinuha niya sa bag ang kaniyang cellphone at hinanap ang huling conversation nila ni Ara. Meron pala siyang na-miss na mensahe nito at noon lang niya binuksan. Ara: “I can’t marry Elias. Hindi pa nga kami kasal, pinamukha na niya sa akin na ayaw niya sa akin. Feeling ko may galit siya sa pamilya natin, eh. Baka namanipula niya ang isip ni Daddy kaya nagkalitse-litse na ang negosyo. Galit siya sa akin kasi binabatikos ko siya at takot na maungkat ang sikreto niya. Baka kung ano ang gawin niya sa akin oras matuklasan ko ang sikreto niya. Mahirap magtiwala sa kan’ya.” Habang inuulit-ulit ng basa ang mensahe ni Ara ay muli niyang pinagmasdan si Elias. May kausap na ito sa cellphone habang nakaupo sa hagdanan, naka-side view sa kan’ya. Sahil sa mensahe ni Ara ay lalong tumibay ang hinala niya na may kinalaman si Elias sa paglubog nila sa utang. Gustuhin man niyang umurong sa kasal, hindi na puwede dahil mas mahirap kalaban si Elias pagdating sa legality. She made up her mind. She will start investigating her fiance, and start a sinful game against him. Tama lang ang desisyon niya na sa ibang bansa sila magpakasal ni Elias para may chance for divorce. At habang kasal sila, mas madali na lang niyang maungkat ang sikreto nito na hindi ito makahalata. Kumislot siya nang biglang lumingon sa kan’ya si Elias. Tapos na ito sa kausap at biglang tumayo, humakbang pabalik sa kaniya. He looks curious, too. Mukhang nahahalata nito ang curiosity niya sa mukha. “What are you thinking, huh?” tipid ang ngiting tanong nito. Pilit niyang itinago ang kan’yang anxiousness. “Ah, wala. Iniisip ko lang ang magiging sistema sa pagsasama natin once kasal na tayo,” palusot niya. Mahinang tumawa si Elias. “I’m glad to hear that from you. Hindi mo kailangang ma-pressure, Alina. Titiyakin ko na magiging komportable ka sa akin. Pero habang hindi pa tayo kasal, mag-adjust ka na at sanayin ang sarili mo sa presensiya ko. Ignore the judgment of other people. Ikaw naman ang makikisama sa akin at hindi sila.” “Hindi naman ako natatakot sa husga ng mga tao dahil may maipagmamalaki ako, maliban na lang kung ikahiya mo ako.” Iiling-iling na napangiti si Elias. “I would be proud to introduce you as my wife, Alina.” “Pero sabi mo ayaw mo ng payat.” “Bakit? Hindi ka na ba magkakalaman? Kulang ka lang sa kain at dilig.” “Anong dilig?” Nakasimangot niyang untag sabay tapon nang mahayap na tingin sa binata. Ngumisi pa ito. “Can’t you relate? Once you have regular s*x, your body will adjust. Hindi mo pagsisihan ang pagpapakasal sa akin, Alina. Maalaagaan kita higit pa sa pag-alaga mo sa sarili mo.” Lalong tumalim ang titig niya sa binata. “Ayaw kong lumusog. Mahirap kumilos kung mabigat ang timbang. Isa pa, nagpa-part-time model ako kung minsan lalo kung walang model na mag-fit sa designs ko. Nag-maintain ako ng diet dahil matagal ko nang plano na ituloy ang modeling at papasukin ang showbiz. Kaso palaging iyon ang pinag-aawayan namin ni Daddy noon kaya hindi ako matuluy-tuloy sa plano ko,” aniya, pumalatak na. “Forget about that plan. Mag-focus ka na lang sa business natin. Kung gusto mo pa ring ituloy ang fashion career mo, bibilhin ko na ang stock at branch ng Calla fashion and talent agency rito sa Pampanga. Ikaw na ang bahalang mamahala ng company.” Nawindang siya at the same time ay na-excite. Isa sa pangarap niya ang magkaroon ng sariling fashion company. Dapat ay katuwang niya si Stephen sa plano na ‘yon kaso bigla namang nagbago ang dati niyang nobyo. Naudlot ang galak niya nang maalala ang kaniyang goal sa pagpapakasal kay Elias. “That’s a good idea, but I can’t accept that unless you give me the company's rights,” aniya said. “Uh, about the right, I will give it to you once we have kids.” Hinarap niya si Elias na nagsasalubong ang kaniyang mga kilay. Humalukipkip pa siya. “Ang lala rin ng trust issue mo, ano?” angil niya. “You, too,” buwelta nito. Napabuga siya ng hangin. “Fine! Let’s see what will happen to our marriage. Huwag ka munang mag-assume tungkol sa anak.” Tinalikuran din niya ito at muling tumingin sa payapang karagatan. Mayamaya ay pumiksi siya nang may mga brasong lumingkis sa kaniyang baywang. Hindi siya nakahuma nang dumaiti ang matigas na puson ni Elias sa kaniyang likuran. Bumuga rin ang mainit nitong hininga sa kan’yang batok. Yumuko pa ito kaya lumapat ang mga labi nito sa ulo niya. “Calm down, Alina. You are not going to marry an irresponsible man. I assure you that your married life will be better than you imagine. Just trust me,” he said huskily. “I can entrust you with my life but not my heart.” “That’s okay. I can do more to make you fall in love with me, honey.” Nangilabot siya sa lamig ngunit makapangyarihang tinig ni Elias. Nang maramdaman niya’ng bumaba ang bibig nito sa kan’yang batok ay pumalag na siya at lumayo rito. “Babalik na ako sa warehouse,” sabi niya at nagpatiunang naglakad. Bumungisngis pa ito habang nakabuntot sa kan’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD