Chapter 8

2146 Words
HAPON na natapos ang pagsuri ni Alina sa trabaho ng mga mekaniko nila pero hindi siya iniwan ni Elias. Nagyaya ang binata na sa resort sila nito maghapunan. Hindi na siya tumanggi. Nauna na umuwi si Ezekiel kaya walang abala pero tuloy ang paglutong nito sa operasyon ng auction. Hindi naman nagprotesta si Elias dahil ang daddy nito ang nag-utos kay Ezekiel. “Bakit sa ‘yo lang naipamana ang resort?” usisa niya habang kasalo sa kapunan si Elias. Nasa VIP breach front restaurant sila na open pero walang ibang taong puwedeng makapasok maliban sa staff. “My mom chose to give me the resort based on my knowledge and interest,” turan nito. “Meaning, magkaiba kayong magkakapatid ng namanang negosyo?” “Yes, but I also had shares in some companies, ganoon din ang mga kapatid ko. May shares sila sa resort.” “Nasaan pala ang bunso n’yo, iyong sa mother side lang.” “Si Emmanuel? Nasa Maynila siya, namamahala ng shipping line local branch. Marami na rin siyang investment.” “Ah, dalawa pala sila ni Ezekiel na namamahala sa shipping line. Ikaw lang pala ang bumukod.” “I chose to be independent.” “Pero ikaw ang inaasahan ng dad mo sa law office.” “Of course, I’m the only one who followed his path.” “What about your brothers? Wala ba silang interest sa politika?” Kumibit-balikat si Elias. “They hate politics. Even me never comes to my mind to be a politician before.” “But you’re a governor now.” “Ayaw ko lang mawala ang legacy ni Daddy. Gusto ko ring ituloy ang advocacy ni Mommy na magsilbi sa bayan. I swallowed my pride and set aside my fear of attention.” She curiously stared at Elias. “What do you mean? Are you an introvert or antisocial?” usig niya. Matamang tumitig sa kan’ya ang binata at pilyong ngumiti. He ignored her question and gave her a small slice of cheesecake. “Try this,” anito. “Allergic ako sa dairy products,” aniya. “Oh, sorry. Hindi ka rin pala puwede sa cheese.” “Depende sa cheese.” “Give the list of foods you didn’t eat. Bigyan mo rin ako ng listahan ng mga ayaw mo at gusto para makapag-adjust ako.” “Should I ask you to do that, too?” “Ikaw, kung gusto mo ng madaling adjustment. Willing naman akong mag-share ng gusto at ayaw ko.” Isinubo na nito ang maliit na hiwa ng cake na ibibigay sana sa kan’ya. “Maglilista na ako mamayang gabi.” “Siya nga pala. Last Sunday of June ay may family reunion kami sa father side. I want to use this opportunity to introduce you to my clan,” pagkuwan ay sabi nito. Hindi niya natuloy ang pagsubo ng pagkain at tumitig na naman kay Elias. Inatake na siya ng kaba. Naisip niya na lalo siyang matatali kay Elias kung ipapaalam nito sa angkan na siya ang mapapangasawa nito. Mahihirapan na siyang makatakas sa kasal sakaling may matuklasan siyang hindi kanais-nais sa pagkatao nito. “One week na lang bago ang reunion ninyo. Hindi pa tayo nakapag-adjust. Baka puwedeng huwag mo muna akong ipakilala sa angkan mo,” aniya. “Alam na ng malalapit kong kamag-anak na ikakasal na ako, Alina. Uusigin nila ako sa reunion at hahanapin ka, lalo na si Lola. Kailangang maipakita natin kay Lola na hindi tayo magpapakasal dahil sa arranged marriage.” “Eh, ano ang gagawin ko?” balisang tanong niya. “Just act like we’re loving each other. Hindi naman siguro mahirap gawin ‘yon. May karanasan ka na sa pakikipagrelasyon kaya madali na lang sa ‘yo ang umarte. Unlike me na never pa nakipagrelasyon. Turuan mo na lang ako, puwede?” Umasim ang mukha niya at tumalim ang titig sa binata. “Mahirap magpanggap lalo kung tungkol sa relasyon, Elias. Hindi napipilit ang feelings, at nahahalata kung peke ito. Magmumukha tayong tanga nito.” Nagulat siya nang biglang napalakas ang tawa ni Elias. Pero hindi niya maitago ang pagkahalina sa sexy nitong tawa kaya imbes na mainis ay natawa rin siya. She tried hard to act casually before Elias, but it openly went awkward. “Would you trust me at least half of your life, Alina? You’re obviously rejecting me,” anito pagkuwan. “You don’t get me. We just met a few weeks ago, and we don’t have any memorable encounters.” “What about the one-night stand? Isn’t it a big deal to you? Wala lang ba ‘yon?” Tumikwas ang isang kilay nito. Umilag siya ng tingin sa binata. “Walang special doon dahil may guilt. Hindi ko naman ‘yon pinlano.” “Really? Are you saying that you regretted that I am your first?” “I did, but it’s done. Isa pa, wala ako sa wisyo noong gabing may nangyari sa atin. Feeling ko nga nahipnotismo ako, eh konting alak lang naman ang nainom ko.” Napalis ang ngiti ni Elias at bahagyang tumalim ang titig sa kan’ya. “Pinagduduahan mo ba ako, Alina?” usig nito. Napalunok siya. “Uh, n-no. I mean, what happened to us was a mistake, and I won’t be proud of it. Mas mainam na kalimutan na natin ‘yon.” Walang imik si Elias at muling sumubo ng cake. Ginupo ng antok si Alina nang mabusog. Gusto na niyang umuwi pero nagyaya pa si Elias na manood sila ng fireworks display. Meron kasing concert sa resort nito. Wala siyang ineteres sa mga artistang bisita kaya hindi sila nagtagal. “Dito na lang tayo matulog. Baka mahirapan ka sa biyahe,” ani Elias habang pabalik sila sa restaurant. “Wala akong dalang extra na damit,” aniya. “We can get some in the store.” “Ang mahal ng mga damit dito.” “You don’t need to buy it. I’ll call the manager.” Nag-dial na nga ito sa cellphone. Nanghihina na siya sa antok kaya pabor sa kan’ya na doon na magpalipas ng gabi sa resort. Tinawagan na lamang niya ang ina at sinabing hindi siya uuwi. “Okay na ang room natin. Ihahatid na lang ng staff ang damit mo sa suite,” sabi ni Elias nang balikat siya nito sa lamesa. “Room natin?” manghang untag niya. “Yes. I have private hotel suite here. Wala nang available na hotel suite kaya sa kuwarto ko na ikaw matulog.” Marahas siyang tumayo. “Baka may ibang kuwarto pa kahit hindi air-condition.” Napailing si Elias pero ngumiti. “Paano ka masasanay sa akin niyan, Alina? Matutulog lang naman tayo.” “Ibang usapan na ang pagsasama sa iisang kuwarto na hindi kasal.” “Masyado kang conservative. We once stayed in one room, hindi lang natulog.” “Kahit na. Huwag mo nang ipilit ang nangyari noon dahil wala tayo sa wisyo pareho.” “Hindi ba dapat maging kampanti ka dahil nasa wisyo na tayo ngayon?” “Eh, ‘di uuwi na lang ako.” Tumalikod siya at akmang aalis ngunit pinigil siya ni Elias sa kanang braso. Muli siyang humarap dito at hindi nakahuma nang hilahin siya ni Elias palabas ng dining room. Hindi siya nakapagprotesta dahil maraming tao sa lobby ng resort at naagaw nila ang atensiyon ng mga ito. Maging ang mga empleyado ng resort ay natitigilan sa ginagawa nang makitang hawak ni Elias ang kaniyang kamay. “Is my room ready?” tanong ni Elias sa staff na nasa information. “Y-Yes, sir,” tugon ng babaeng staff. Inabot kaagad nito ang susi ng kuwarto kay Elias. “Thanks. Let’s go, honey,” ani Elias, at sa pagkakataong iyon ay inakbayan na nito si Alina. Wari inaapuyan naman ang katawan niya lalo’t napag-uusapan na sila ng mga tao. May gusto sanang magpa-picture na guest kay Elias pero hindi na nakalapit. May ilang pumuslit pa ng larawan nila kaya kabado siya. “Sabi ko sa ‘yo huwag kang obvious sa mga tao,” angal niya habang kasabay sa paglalakas ang binata. Inalis na nito ang braso nito sa kan’yang balikat at dumestansiya. “Bakit ka ba natatakot, Alina? Hindi magtatagal ay malalaman din ng lahat na fiancee kita,” anito. “Hindi ‘yon ang iniisip ko. Ayaw kong maunang lalabas sa media ang tungkol sa atin at baka ma-misenterpret ng mga fans mo. May iniingatan din akong pangalan sa fashion industry, at ayaw ng boss ko na nae-involve kami sa mga sikat na personalidad, mga model, lalo na sa ambassador. Kasi nakakaladkad kami ng fans ng mga sikat na tao, lalo ka na. Maraming patay na patay sa ‘yo.” “I’m not a celebrity, Alina. I don’t need followers or supporters to keep my image fresh. Iba ang suporta na kailangan naming mga pilitiko. Sa serbisyo kami nakakakuha ng suporta at simpatya.” “What about my image? Maraming evil eye, iyong mga taong kaya kang isumpa dahil sa inggit at galit.” Biglang huminto si Elias sa tapat ng hotel suite nito. Napahagalpak ito nang tawa. “I don’t know what to say, Alina. Reputasyon mo lang pala ang inaalala mo.” “Natural. Malinis ang pangalan ko, walang kaaway. Baka magulat na lang ako pinakukulam na ako ng supporters mo.” Muling natawa ang binata habang nagbubukas ng pintuan gamit ang card. “Stop that nonsense, Alina. Wala ka rin namang choice dahil ikakasal na tayo.” “At least ‘yon legal, hindi ako magmumukhang fling mo.” “Uh, enough! Let’s get inside,” apela nito. Tumahimik din siya nang makapasok ng kuwarto. Naroon na pala ang damit na pinakuha ni Elias para isuot niya. Kaagad siyang pumasok ng banyo at naligo. Nagbabad pa siya sa bathtub nang halos kalahating oras. Nakakapikit na siya nang marinig ang banayad na pagbukas ng pinto. “Elias?” sambit niya. Ginupo siya ng kaba nang maisip na pumasok si Elias. Mabilis siyang tumayo at lumipat sa shower area. Nagsasabon pa lamang siya ng katawan nang may humawi sa glass door. Hindi niya napigil ang tili nang pumasok si Elias na walang kahit anong saplot. “Hey! You’re exaggerated,” anito. Binalot na niya ng tuwalya ang katawan kahit may sabon pa. “Hindi ka ba makapaghintay?” padaskol niyang untag. “Ang tagal mo kasi.” Tuluyan itong lumapit sa kan’ya at muling binuksan ang shower. “You’re not finished yet, are you?” anito pagkuwan. Saka lang niya napansin na may shampoo pa ang kaniyang buhok. Bumalik na lamang siya sa tub at doon nagbanlaw habang nakaupo. Mayamaya ay lumapit na rin sa kan’ya si Elias kaya muli siyang tumayo. “What the hell are you doing, Alina?” paangil nitong tanong. “Iniiwasan ka.” Bumalik siya sa shower at mabilisang nagbanlaw. “Kailangan mong masanay, Alina. Once we get married, there’s no turning back.” She shook her head but managed to agree with Elias. “Paano mo ba ako sasanayin? You are seducing me.” “Seduction won’t work if you ignore it. I can’t believe you kept your virginity safe from your long-time boyfriend. Baka kaya siya nagsawa ay dahil nainip, walang thrill sa relasyon ninyo.” Pinukol niya ng mahayap na titig si Elias. Binalot na niya ulit ng tuwalya ang kaniyang katawan. Nakaupo na sa loob ng tub ang binata at naglalaro ng bula. “Ano’ng thrill ba ang gusto n’yong mga lalaki? s*x?” walang abog niyang saad. Elias chuckled and gave her a sardonic glare. “I’m not into s*x, but having an open-minded woman is more interesting.” “Open-minded ako pero hindi easy to get. Gusto ko ng seryosong relasyon.” “You have an ideal mindset as a woman, Alina. I like that.” “Ideal din man-isip si Ara, bakit hindi mo siya gusto?” Inusig na niya ito upang makakuha ng ideya. “Ara was not my type.” “Dahil ba palaban siya at practical?” “No. Ayaw ko lang ng sinungaling at walang isang salita.” “Everyone lies, kahit naman siguro ikaw.” Pinukol siya ng matalim na titig ni Elias. “I admit, pero lahat ng pagsisinungaling ko ay may benefits.” “A selfish benefits.” Tumalikod siya at kinuha ang damit na isusuot niya sana. “Sa labas na ako magbibihis,” aniya. Hindi na kumibo ang binata. Nagsusuot ng blouse si Alina nang tumunog ang kan’yang cellphone. Nawindang siya nang malamang si Ara ang tumatawag. Dinampot niya ang cellphone mula sa mesita at sinagot ngunit tili ng kan’yang kapatid ang bumungad na may kasamang pagtangis. “Ara? Hello!” natatarantang sabi niya. “A-Ate…. I’m sorry. Hindi ko talaga kayang pakasalan si Elias. He’s an evil,” tanging nawika ni Ara at kaagad naputol ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD