KUMIBIT-BALIKAT si Ezekiel. Tumayo na ito. “Naghatid lang ako ng released paper for the units. Papipirmahan ko kay Alina,” tugon nito sa kapatid. Lumapit pa ito kay Alina. “Nagugutom ka ba? Bibili ako ng snack natin,” pagkuwan ay sabi nito. “Sige pero light food lang,” ani Alina. “Roger. I’ll be right back. Pirmahan mo na ang papeles.” Nilagpasan lang nito si Elias. Tuluyan namang pumasok si Elias sa kan’ya at tiningnan ang papeles na pinirmahan niya. Mariing kumunot ang noo nito. “Akala ko ba hindi ka pupunta rito,” aniya. “I’ve done my business meeting,” sabi nito at umupo sa silyang katapat niya. “Bakit pala narito pa si Ezekiel? I thought he’s in the US,” pagkuwan ay usisa nito. “Ano kasi marami pang ipapagawa sa kan’ya ang daddy n’yo.” “Hindi na natin siya kailangan sa auction.