MAG-ISANG kumain ng tanghalian si Alina. Nagpahatid lang ng pagkain niya si Elias at may kasama pang snack para sa hapon. Tuloy lang ang pagguhit niya ng designs dahil hanggang sa araw na iyon na lang ang palugit. Naipadala na niya kay Alice ang mga naunang natapos niya upang hindi siya ma-pressure. Nai-save niya sa cellphone ang bagong mobile number ni Ara at balak niya itong tawagan gamit ang cellphone ng kaniyang tiya. Kailangan niyang marinig ang buong kuwento ni Ara at malaman din ang sitwasyon nito. Ni hindi pa niya alam kung sino ang ama ng pinagbubuntis nito. Alas tress ng hapon ay nakatulog siya sa couch. Mabuti na lang walang abala at saktong nagising siya ay may kumatok sa pinto. Nai-lock kasi niya ito. Pinagbuksan niya ang kumakatok na bodyguard. “Ano’ng problema?” tanong ni