PINAGBIGYAN ni Alina si Elias na mapadalas ang pagtulog niya sa bahay nito. It’s her easy way to know him better before their wedding. Sinasanay rin niya ang sarili sa environment ni Elias. Sa tuwing wala siyang trabaho sa opisina ay sumasama siya sa binata sa kompanya nito at tumutulong sa paperwork. May time naman siya sa pagguhit ng fashion design. Martes ng hapon pagbalik niya sa opisina ni Elias ay nagulat siya dahil nagbago na ang ayos ng gamit. “Ano’ng meron?” ‘takang tanong niya. “I gave you space to focus on your job. Ayaw mo na magkatabi ang table natin, ‘diba?” sabi nito. Natitigilang tumitig siya sa binata. Noong isang araw kasi ay hindi siya komportable dahil magkatabi sila ng lamesa ni Elias at nadi-distract siya ng presensiya nito. Mayamaya rin kasi siya nitong kinakaus