NAUNANG natapos kumain si Elias at nagpaalam na aayusin ang kuwarto nito. Naguguluhan na si Alina dahil noong dalawang gabing nagdaan ay sa kabilang kuwarto lang siya pinapatulog ni Elias. Ang dahilan nito, para hindi siya maabala. At sa gabing iyon ay gusto nito na doon siya matulog sa kuwarto nito para mabantayan siya. Hindi siya makapagreklamo dahil hindi pa rin maganda ang mood ni Elias. Natatakot siyang kontrahin ito baka lalong uminit ang ulo. Pero habang naghuhugas ng kubyertos sa kusina ay nag-isip-isip siya. “Parang may mali,” usal niya. Binalikan na naman ng isip niya ang mga naipong compliment ng ibang tao tungkol kay Elias, and she realized that there was really something wrong with her fiance. Even her feelings while with him became anxious. She didn’t realize it before. N