MADILIM na nang makauwi ng bahay sila Alina. Nauna pa sa kanila si Elias. Nagulat siya nang maabutan ang pagkaing nakahain sa lamesa. Ang dami nitong dinalang pagkain at meron pang gulay at prutas. Malabo na talaga siyang makapag-diet nito. “May balak ka talagang gawin akong balyena, ano?” nakasimangot na sabi niya sa asawa. Masama rin ang titig niya sa pagkain. Nilapitan siya ni Elias at inakbayan. “I didn’t please you to eat a lot, honey. Nag-crave lang ako bigla sa roast meats,” anito. “Nag-crave? Ano ka, naglilihi?” amuse niyang saad. “I’m always like this when my appetite is in good timing.” Natigilan siya nang ma-stuck ang kaniyang isip sa cravings at paglilihi. Mayamaya ay nakaalala siya tungkol sa delayed menstrual period niya. Tumahip na ang dibdib niya sa kaba. Although she