PANAY ang buntong-hininga ni Alina habang nakababad sa bathtub. Dala-dala pa rin niya ang kaba hanggang doon sa banyo. Naiinis siya sa sarili bakit kailangan niyang matakot kay Elias. “Kainis! Bakit ang hirap kontrolin ng nerbiyos ko? Para namang papatayin ako ng asawa ko,” sermon niya sa sarili. Hindi niya namalayana ng oras, halos kalahating oras na pala siyang nakababad sa tub. Nagulat siya nang biglang sumulpot si Elias at hinawi ang glass door. Hubo’t hubad na ito. Hindi siya nakahuma nang lumusong ito sa tub at pumuwesto sa gawing paanan niya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya rito, tulala. “Bakit gan’yan ka kung makatitig, Alina?” masungit nitong tanong. Napapiksi pa siya at naging uneasy. “Uhm, w-wala. Akala ko kasi natulog ka na,” aniya. “I just talked to someone.” “S