NA-DRAIN ang lakas ni Alina kaya naparami ang kaniyang kain. Sa pagkain siya naka-focus at hindi namalayang naubos niya ang mixed seafood. Natigilan siya nang mapansing hindi kumakain si Elias at nakatitig lang sa kan’ya. “B-Bakit hindi ka kumakain?” ‘takang tanong niya sa asawa. Saka lang ito ngumiti. “I’m done,” anito. “Kumain ka pa. May tira pang pagkain, baka masira.” Nilagyan niya ng laman ng tuna ang plato nito. “Thanks. Gusto ko sana ng prawn pero inubos mo na.” Napamulagat siya at inisa-isa ang mga serving plate na wala nang laman. Napalunok siya nang mapagtanto na inubusan niya ng ulam si Elias. Hindi siya kumain, mashed potatoes lang kaya naparami siya ng ulam. “S-Sorry. Sobrang ginutom kasi ako,” naiilang niyang sabi. “It’s okay. Mas gusto kong makita kang maraming kinaka