NAKAIDLIP sa biyahe si Alina. Naalimpungatan siya nang may mainit na mga labing humahalik sa kaniyang bibig. Pumiksi siya nang mamulatan ang mukha ni Elias na kalalayo sa kaniya. Ginising siya nito ng mainit na halik. “We’re here, honey,” anito, nakangiti. Binuksan na rin nito ang pinto ng kotse. Walang imik na kumilos siya at binitbit ang bag at ibang gamit. Nasa pantalan na pala sila kung saan naibaba ang mga sasakyan mula sa ibang bansa. Naroon din si Ezekiel at kasama ng warehouse manager ng auction. “Akala ko uuwi na sa US si Ezekiel?” aniya. “He still had two weeks here,” ani Elias. Palapit na sila sa receiving area. “Makakadalo pa pala siya sa egnagement party natin.” “Yeah, but I’m not sure if he will attend.” Nang makalapit sila kay Ezekiel ay umaliwalas ang mukha nito. “Y