DAHIL sa higpit ng yakap ni Elias ay hindi nakalaya si Alina. Talagang hindi siya nito pinakawalan hanggang matapos ang halik sa kan’ya. Tumugon siya saglit kung kailan kinapos na rin ng hininga ang binata. Hihirit pa sana ito ng isa pero marahas niyang itinulak sa dibdib. “Tama na!” singhal niya. Tumawa ito at hinabol pa ang kanang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Bakit? Hindi ba masarap ang halik ko?” tanong pa nito. “Masarap pero mahirap dahil parang uubusin mo ang hininga ko!” “We can take some rest naman. Come on, practice pa tayo.” “Ay, sira-ulo!” maktol niya sabay waksi sa kamay ng binata. Tuluyan siyang lumayo rito. “Ano? Puwede na ba nating pirmahan ang papeles?” pagkuwan ay tanong niya. “Go ahead! Magbabanyo lang ako,” anito at pumasok ng palikuran. Umupo na siya sa t