Chapter 68

1911 Words

KINABUKASAN ng hapon na pumasok sa opisina si Alina. Nagdagdag ng bodyguards niya si Elias para sa seguridad niya. Nasanay na rin siya at hindi na kumontra sa desisyon ng kaniyang asawa. Para rin naman ‘yon sa kaligtasan niya. Kauupo lang niya sa harap ng lamesa ay umabala na. “May bisita po kayo, ma’am,” sabi ng bodyguard na nasa labas. “Papasukin mo,” sabi niya kahit walang ideya kung sino ang bisita. May tiwala naman siya sa bodyguards. Nag-angat siya ng mukha nang maramdaman ang presensiya ng bisita. Bumalikwas siya ng tayo nang makita si Ezekiel, naka-black suit. Awtomatikong kumabog ang kaniyang dibdib nang maisip na kakampi pa rin ni Marlon si Ezekiel. “P-Paano ka nakalusot sa guwardiya?” kabadong tanong niya. Ngumisi si Ezekiel. “Relax,” anito. Tuluyan itong lumapit sa kan’ya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD