NAPATAYO si Alina nang mapansin si Elias na palapit. Bitbit nito ang kaniyang laptop. “Where’s my laptop?” balisang tanong nito. “N-Nandito,” aniya sabay abot dito ng laptop at bag. Tuluyan itong lumapit at inilapag sa lamesa ang kaniyang laptop. “Hindi ka nag-breakfast kanina. Umuwi ako sa bahay kanina dahil akala ko naroon ka pa, nasa lamesa pa ang niluto kong almusal mo,” sabi nito. Napangiwi siya. Nahilo kasi siya at nagsuka paggising niya kaya biscuit lang ang kinain niya. “Late na kasi akong nagising kaya diretso lunch na ang kinain ko,” palusot niya. “Huwag kang mag-duty bukas. Sasamahan kita sa doktor.” Natigalgal siya at manghang tumitig sa kaniyang asawa. “B-Bakit? Wala naman akong sakit.” “Sabi ni Tita Luisa, nagsuka ka kaninang umaga. You look pale, Alina.” Matabang siy