NAPAPADALAS pa rin ang pagkahilo ni Alina sa umaga kaya tuwing hapon na lang siya nagre-report sa opisina. Busy rin sa political career nito si Elias kaya bihira ito makabisita sa opisina. Si Ezekiel ang pina-monitor nito sa business nito. Natutuwa siya dahil nagtitiwala na ito sa kapatid. Biyernes pa lang ay bumili na siya ng regalo para sa kaniyang ina. Matagal ding hindi siya nakapag-celebrate ng birthday ng mommy niya kasama ito. Tumira na kasi siya noon sa Maynila. Dahil mahilig sa alahas ang mommy niya, bumili siya ng set ng gold jewelry na merong initials nito. Gusto rin niyang ipagluto ang ina kaya inaral niya lutuin ang paborito nitong tuna paella. Pag-uwi niya ng bahay kinahapunan ay nagluto siya ng tuna paella base sa recipe na nakuha niya online. Mabuti alam din itong lutui