KAKAUSAPIN pa sana ni Alina si Ara pagkatapos ng hapunan ngunit pinigil siya ni Elias. Nagmamadali na itong umuwi dahil inaantok na umano. Nagpaalam na lamang sila sa kaniyang ina. Pagdating naman ng bahay ni Elias ay tumambay pa ito sa study. Sinundan niya ito roon. “Akala ko ba inaantok ka na?” aniya. “May isi-send lang akong details sa investigator,” sabi nito. Nakaupo ito sa harap ng lamesa at nagtitipa sa laptop. “Sige. Mauna na ako sa kuwarto,” paalam niya. Tumango lang si Elias. Nag-shower pa siya bago humiga ng kama. Habang tinutuyo ng blower ang kan’yang buhok ay tunog nang tunog ang kan’yang cellphone na nasa mesita. Sinilip niya ito. Tumatawag si Ara. Nag-alangan pa siyang sagutin ito sa takot na baka biglang papasok si Elias. Hindi siya nakatiis at dinampot ang cellphone