LUMABAS pa rin ng kuwarto si Alina at lumipat sa silid ng kaniyang tiya. Doon na muna siya nagpalipas ng sama ng loob habang nag-iisip. Nilalamon siya ng mabibigat na emosyon kaya lalong hindi siya makatulog. Iyak siya ng iyak habang nakahiga ng kama. Naalala lamang niya ang panahong ilang beses niyang naignora ang kaniyang ama. Sa loob ng limang taong paninirahan niya sa Maynila, isang beses lang siyang umuwi sa bahay nila. Her dad asked her a favor to stay with them, but she refused it. Ilang buwan bago namatay ang daddy niya ay tinigilan din siya nito sa pangungulit tungkol sa kasal. Akala niya ang okay na ito, na nasolusyonan na ang problema sa kumpanya. Pansin din niya noong umuwi siya na hindi nag-uusap ang parents niya. Depress na rin noong time na ‘yon si Ara, panay ang alis at n