INULIT pa ni Elias ang tanong nito bago naudyok si Alina na sumagot. “Oo. Uuwi muna ako sa amin,” sabi niya. Pinagpapawisan na siya nang malamig habang naghihintay sa reaksiyon ni Elias. Hindi na niya naituloy ang pagbabalat sa balut. “Do you think leaving me is the solution to your madness?” anito, pumihit paharap sa kan’ya. “Hindi ako makapag-isip nang maayos sa tuwing nakikita kita. Naaalala ko lang kung paano tayo nagsimula. May aayusin din ako sa pamilya.” “You can’t leave, Alina. Puwede kang umuwi sa bahay n’yo pero hindi ka magtatagal.” Tumalim ang titig niya sa asawa. “You can’t control me, Elias! Ginulo mo na nga ang buhay ko, sasakalin mo pa ba ako? Kahit mahal kita, kung ganito mo ako mahalin, baka hindi tayo magtatagal. I am asking your permission to leave and give me spa