NAPASARAP ang kuwentuhan nina Alina at Emmanuel. Hindi niya namalayan ang oras, rush hour na. Kahit lumayo siya kay Elias ay hindi niya pinaalis ang driver na nai-assign nito. May dalawang bodyguards pa rin naman siya. Dala niya ang anak ni Elias kaya hindi niya ito pagkakaitan ng suporta mula sa ama nito. Pagdating niya ng bahay ay bumungad sa kan’ya ang maraming prutas at gulay, may naluto pang pagkain. Nailatag ng tiya niya ang mga pagkain sa lamesa sa may hapag. Hindi na siya nag-isip kung kanino ito galing. “Pinadala ni Elias ang mga ‘yan sa driver niya kanina. Nasa Subic Bay si Elias sabi ng driver,” ani Luisa. Isa-isa niyang binuksan ang mga pagkain na nasa stainless food box na merong division. Tatlong putahe ito, may salad na gulay, seafood, at sinigang na baka. Nagtataka siya