NAGTAGAL pa si Alina sa pag-uusap nila ni Roe at hinimay ang mga detalyeng nagpapalito sa kan’ya. Nilinaw nito na maaring hindi ang buong pagkatao ni Elias ang obsessed sa kan’ya. Obvious naman kasi madalas walang tiwala sa kan’ya ang kaniyang asawa at ramdam niya na hindi siya gusto. “Posibleng nagkakasundo na ang identities ni Elias kaya nagiging satisfied din siya. Pero ang problema, magkaiba sila ng memories. They build memories with you differently. It would be best if you can tame them both, mas madali mo siyang makasundo,” dagdag pa ni Roe. “Feeling ko naman okay sila pareho sa akin. Iba lang talaga ang nature ng isa, pero nasasanay na rin ako,” sabi niya. Lumapad ang ngiti ni Roe. “You’re brave, Alina. I’ll give you guidelines on how to familiarize Elias with identity switching