“’PA, can we talk?” lakas-loob ko na sumamo kay Papa nang sundan ko siya sa study room after naming mag-dinner. Hindi na ako kumatok kasi kakapasok pa lang naman niya kaya sure ako na hindi pa siya busy. “Anong sasabihin mo?” ang cold na tanong niya. Nasaktan ako kasi hindi ako sanay na parang ibang tao ako kay Papa. Nga lang ay hindi ko naman siya masisisi kasi nga may nagawa akong kasalanan sa kanya. Magtaka siguro ako kung sa kabila ng lahat ay maayos pa rin siya sa akin. “About me and Jwan po,” kako sabay baba ng tingin ko. Sa sapatos ko ako napatitig. Ikinahihiya ko ang sarili ko. Sariling kong ama ay ginago ko. “Bakit? Inindiyan ka ba ng tomboy na iyon?” I bit my lower lip. My heart squeezed tight in pain. Hamakin na sana lahat ng tao si Jwan huwag lang sana ang aking ama. Kah