KASABAY nang pagsarado ni Deus sa pinto ay ang unti-unti kong pagkakaupos. My tears fell like a river. Wala na si Jwan. Nanalo na si Deus dahil siya na ang pinili ni Jwan. Wala na akong magagawa pa. Again, I sat on the edge of the bed. Hawak ko ang mga tuhod ko na ibinuhos ko na lahat ng luha ko. Sa pangalawang pagkakataon, I feel like Jwan killed me. “Kasalanan mo rin naman dahil ipinilit mo pa rin ang sarili mo. This is your karma, Shema.” Narinig ko na sermon ng aking sarili sa aking isipan. At tama naman siya. Ako rin naman talaga ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyong ito. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Naging makasarili ako. Naging mayabang. Hinayaan ko na lamunin ako ng galit ko. Tama, karma ko na nga ito. “Sorry, Shema. Hindi ko rin inasahan na gano’n ang mangya