“NA-MISS kita. Kumusta kayo ni baby? Hindi ka ba sinaktan ni Deus?” Mga tanong ko kay Jwan habang yakap-yakap ko pa rin siya at lumuluha. Ayaw ko na siyang bitawan dahil baka panaginip lang ito. Ayaw ko na kahit sa panaginip ay mawala siya. “Ssshhhh!” She caressed my back softly. Lalong rumagasa ang mga luha ko nang naramdaman ko iyon. Hindi panaginip, totoo siya. “Jwan.” Mas niyakap ko siya nang mahigpit. “Doon lang ako sa labas,” tinig ni Kuya Froy. Mas napatunayan ko na hindi nga nga ito panaginip. Totoong dinala sa akin ni Kuya Froy si Jwan. “Sorry kung hindi kita naipaglaban but God knows ginawa ko ang lahat para magkita ulit tayo,” confess ko kay Jwan. Para na akong bata na may uhog habang umiiyak. “Wala kang dapat ika-sorry, Part’. Wala naman tayong laban parehas kay Deus th