THE DAYS fly fast, ni halos hindi ko na namalayan na ilang taon na ang lumipas. Almost four years na pala. At ang akala ko na hindi na ako magiging masaya ay hindi naman nangyari because here I am nakangiti naman ako at tumatawa kasama ang aking mga bagong kaibigan na mga nakilala ko rito sa Korea. Isang araw ay sinuguro ko na hindi ako tutok masyado sa negosyo ko tulad ng sinabi ko noon. Binigyan ko ang sarili ko ng time na makipag-socialize kaya napaligiran na ako ngayon ng mga taong nagpapasaya sa akin kahit paano. “Shema, when will you have a boyfriend?” “Shema, do you have no plans to have a boyfriend?” “Shema, almost all of us are getting married soon. Aren't you jealous?” Hindi nga lang maiwasan na minsan ay mga naitatanong nila sa akin dahil sa ilang taon ulit na nagdaan ay iy