“MA’AM, may naghihintay sa’yo kanina. Kaaalis lang. Sayang,” imporma sa akin agad ni Aiko nang nakita niya akong pumasok sa boutique. “Sino raw?” tanong ko na walang kainte-interes. Hindi naman na kasi bago sa akin na marinig na may naghahanap sa akin dahil halos araw-araw naman. Kung hindi customer na suki na namin at gustong makahingi ng discount, ay kung sinu-sinong ahente naman na kung anu-ano ang inaalok na mga produkto at serbisyo tulad ng mga credit cards at mga insurance. “Hindi po sinabi kung sino siya pero titig na titig po siya sa ferris painting kanina.” When Aiko said that, I was stunned. Ni hindi ko naituloy ang pag-upo ko sa aking swivel chair. “What did you say?” tanong ko na nakakunot ang noo. “Sabi ko po, iyong bisita niyo po sana ay titig na titig po siya sa ferris