Inihiga ko si Ximena sa couch na nasa malapit sa bintana habang hindi napuputol ang aming halikan. One way mirror ito kaya naman hindi kita kung ano man ang ginagawa namin dito sa loob. Samantalang dito sa loob ay kita naman namin ang magandang view sa labas. Napansin ko na maaliwalas ang langit sa labas nang lumingon ako saglit kanina rito. The sun is shining brightly up in the sky and there's no trace of bad weather. Malinis kasi ang puting-puting ulap na naroon na minsan ay nagkokorte pa ng kung ano-anong hugis. Noong bata pa ako, naalala ko na madalas akong dalhin sa burol ng aking ama. Doon sa hilagang bahagi ng hacienda na malapit sa may batis. Kung saan ay panonoorin ko ang mga ulap habang nakahiga ako sa damuhan. Malapit lang iyon sa lupa na kinatitirikan ng aming mansion at kab