"Ano 'to?" Tukoy niya sa mga telang nakatali sa kaniyang magkabilang kamay at paa. "Bakit ako nandito?" nagtatakang tanong ni Layna at nagsisimula ng mataranta. "Nilinlang mo ako? Manloloko ka talaga at kahit kailan ay hindi ka na magbabago pa! Isa kang manloloko at sinungaling" sunod-sunod niyang tanong at reklamo sa akin. Naiiyak at puno ng pagkasuklam sa akin. "I'm sorry, Layna," nasasaktan kong wika habang nagpupumilit siyang makawala sa mga tali. Hindi siya tumigil sa pagpupumiglas kahit na alam naman nitong imposible siyang makawala sa higpit nang pagkakatali ko sa kaniya. Dahil sa pagtatalo namin kahapon ay bigla na lang sumakit ang ulo niya at sa 'di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang siyang nahimatay sa harap ko. Hindi ko na inisip pa kung ano man ang kalalabasan ng gina