"Kent, ano ba? Bitawan mo nga ako!" asik niya sa akin habang nagpupumiglas na makawala sa yakap ko. "Tumigil ka na!" paulit-ulit niyang sabi pero hindi ko magawang sundin ang hiling niya. Malakas ang tulak niya sa akin at ginawa ang lahat para makawala sa akin. Napapikit pa siya animong nauubusan na ng pasensiya sa akin. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nagkasalubong ang mga titig namin. Ang mga mata niya ay gano'n pa rin gaya ng dati at nagsasabi pa rin na nasasaktan siya sa tuwing kaharap ako. Malungkot at wala akong naramdaman na kahit konti man lang na sabik na makita ako. Nagtitigan kaming dalawa na parang kami lang ang tao sa buong isla. Sinabayan ng katahimikan sa paligid at ang mga emosyong hindi ko maipaliwanag. Para akong dinudurog at nagdurugo ang puso ko kung baki