Dahil sa mahigpit na yakap sa akin ni Kent ay napagtanto ko na mas higit pa sa inaakala ko ang kaya niyang tiisin para sa akin. Pinatunayan niya sa akin na matibay ang kaniyang pagmamahal sa akin at kung gaano rin ako ka-importante sa buhay niya. Mas pumula at namamaga pa ang mga mata nito ngayon kaysa noong huli ko siyang nakitang umiyak sa harap ko. Hindi man siya nagmamakaawa ngayon pero kahit na ano pa man ang dahilan ng mga luha niya ay isa lang ang sigurado ako. Mahal niya ako sa hirap man o ginhawa. Noong mga panahong gusto niyang ayusin namin ang relasyon naming dalawa ay nagdalawang isip ako. Ang akala ko ay mali ako, pero hindi pala. Dahil siya ang pinakatamang nangyari sa buhay ko. Umiyak ako ngayon dahil mahal na mahal ko siya. At natakot ako nang bigla kong naisip