"Nahihilo ako," amin niya sa akin habang hawak niya ang kaniyang ulo. Sakto namang pumasok ang Doctor niya sa silid at sinuri siya kaagad. "I felt relieved," wika nito at tumingin pa sa akin bago napatuloy sa pagsasalita. "Ano pa ang nararamdaman niyo Miss Layna?" mahinahong tanong ng Doctor sa kaniya. Tiningnan niya ako na para bang nag-aalala siya sa reaksyon ko. Dahil sa mga sulyap niyang iyon, alam kong nag-aalangan siya dahil ayaw niyang mag-alala ako. "Tell her... we will be fine," tukoy ko sa aming dalawa ni Carmen. "Iyong mga paa ko po, Dok parang hindi ko ma-igalaw," nag-aalala nitong sagot. "Normal lang 'yan dahil dalawang taon kang nakahiga lang sa kama. Bibigyan kita ng mga resita para sa pananakit ng ulo mo at mga vitamins para bumalik agad ang lakas mo," salaysay