Nagkakagulo ang lahat at lumakas ang inggay sa garahe. Lahat ay natataranta at hindi na alam kung ano ang gagawin. Hinarang kaagad ni Kent ang katawan niya sa akin at kahit na ilang beses na sumigaw si Arah na umalis si Kent sa harap ko ay hindi niya pa rin ginawa para maprotektahan ako. "Umalis ka riyan Kent kung ayaw mong pati ikaw ay barilin ko!" Matigas niyang utos sa dating asawa at gaya ng isang baliw ay nagbabago ang kaniyang reaksyon at emosyon. Minsan ay malungkot siya at tumatawa pero minsan din ay malakas na umiiyak sa harap ng lahat ng nandito. Nang masilip ko ang mga mata niya ay hindi ko maintindihan. Sukdulan ang galit at para bang wala na natitirang kahit na konting awa ngayon. "Arah, ibaba mo 'yan!" maawtoridad nitong utos habang ang mga kamay niya ay kinokompas