"Kent, hindi ako makapaniwala," umiiyak kong ani pero ang mga labi ko ngayon ay nakangiti. Tinitigan niya ako ng mataimtim at ang pagdurusa na nakikita ko sa mga mata niya kanina habang nakikipagtalo sa ina ay lumisan na. Mas lalo lamang akong umiyak hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil sa pakiramdam na sobrang tuwa. Para akong hindi makapaniwala sa lahat ng aking mga narinig. Hindi man sinasabi ni Donya Karen na tanggap na niya ako para sa anak niya pero dahil sa basbas na pwede na kaming dalawang magpakasal ay isa lang ang ibig sabihin no'n para sa akin. Na tinatanggap na niya ako bilang pamilya nila. Pinunasan niya ang aking mga mata at pisngi ngunit hindi pa rin matapos-tapos ang pagbagsak ng aking mga luha. Niyakap niya ako nang sobrang higpit at para bang nabunutan kam