Nang makarating kami sa library ng bahay nila ay hindi ko na nagawang puriin ang buong silid. Napakalaki at ang daming libro. Mas malaki pa yata ang library na ito kaysa buong bahay namin. At kung sa ibang pagkakataon ko ito nakita ay baka hindi ko na maitikom ang mga labi ko sa labis na pagkamangha. Organisado ang buong silid at napakalinis na halatang alagang-alaga ang kwarto. Bago pa ang mga libro at para bang hindi pa ito kailanman nagagamit. Pinukol ni Donya Karen ng masamang tingin ang anak niyang si Kent at bumaba ito sa mga kamay naming magkasiklop. "Ikaw lang ang gusto kong makausap pero sinama mo pa rin ang babaeng 'yan. Pero mas mabuti na rin 'to para marinig niya ang lahat ng mga pag-uusapan natin! Para malaman niyo kung gaano siya ka salot sa buhay natin at kahit ka

