Kalmado lang ako ngayon mula nang dumating si Kent. Iyon ang pilit kong pinapakita sa kaniyang harapan. "Everything in me now is broken," nasasaktan niyang sabi na siyang dahilan kung bakit napukaw ang sakit sa puso ko. Ang mga nakaraan na labis kong pinagdusahan at nasasaktan din ako dahil pinaalala na naman niya sa akin ang mga nangyari noon. Gusto ko na iyong ibaon sa limut pero heto siya at kinakalkal na naman ang mga nakaraan namin. "Kent, tumigil ka na! Kung ano man ang gusto mong sabihin ay huwag mo nang ituloy, maawa ka!" Pigil ko sa kaniya para hindi ko maalala ang lahat ng mga sakit. Pero ano pa ba ang aasahan ko, siya si Kent Donte ang may pinakamatigas na ulo sa lahat na lalaking nakilala ko. The more I wanted to stop him, he does even more. "Mahal kita Layna at alam ko