Matapos naming bilhin ang lahat ng mga kailangan namin ay dumiretso na kami sa kotse niya ng hindi nag-uusap. Wala akong imik sa kaniya at wala akong pakialam kahit na magmukha siyang tanga sa kakasalita kahit na wala namang sumasagot. Alam kong alam niya ang dahilan kaya hindi na niya dapat na tinatanong pa. Binilihan niya ako ng damit na susuotin ko sa condo niya at sa dami ng mga binili niya ay para na akong lilipat ng tirahan sa kaniya. Dinaig ko pa yata ang bagong lipat sa dami ng mga gamit na ipinagpipilitan niyang bilhin para sa akin. Nagsusumamo akong ibalik niya ito pero para siyang bingi sa mga pakiusap ko. Gustuhin ko mang ako na lang ang magbayad ng mga pinamili niya para sa akin pero wala rin akong pera ngayon para sa mga mamahaling mga damit. Kanina ko pa siya pi