Kasabay nang paglabas niya sa kwarto ay ang paglagay ko sa mesa ng ulam na ilang minuto ko lang hinanda. "Ang bango naman ng ulam natin," papuri ni Kent sa aking niluluto. "Sana lagi tayong ganito, ipagluluto mo ako at kahit na ano'ng lutuin mo ay kakainin ko." Ewan ko sa kaniya, sana nga ay magustuhan niya ang niluto ko ngayon dahil dati naman kasi ay wala akong naririnig mula sa kaniya na kahit konting papuri sa mga hinanda ko. "Mas mabango ka pa kaysa rito," nakangiti kong tugon dahil iyon naman ang totoo. Napangiti siya sa aking sinabi at ito naman ang kinilig sa aking sagot. "Dapat nandito ka araw-araw para hindi mo mamis ang amoy ko," katwiran niya sa akin. Kahit kailan talaga ay hindi siya nauubusan ng mga palusot. Pero unfairness hindi pa rin siya pumapalya sa pagpapataba